20 miyembro ng KOJC kakasuhan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang sampahan ng Philippine National Police (PNP) ang 20 miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ng iba’t ibang kaso dahil sa iligal na pagtitipon at hindi kusang pagbubuwag ng kanilang barikada sa kalsada sa Davao City.

Ayon kay Special Task Group TEKNON Alpha Spokesperson Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, kasong resisting arrest, disobedience to agents of authority, at paglabag sa BP 880 o Public Assembly Act ang isasampang kaso laban sa mga nasabing miyembro ng KOJC.

Bukod dito, sinabi din ni Alba na inihahanda na rin nila ang paghahain ng petisyon sa Davao City Regional Trial Court para linawin ang hinggil sa inilabas ng hukuman na temporary protection order.

Samantala,  kinumpirma din ni Alba ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. hinggil sa magandang development sa ginagawa nilang paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy ngunit tumangging magbigay ng karagdagang detalye.

Hindi din nagbigay ng timeline si Alba kung malapit na o ilang araw pa ang abautin sa paghahanap kay Quiboloy at sa iba pang kapwa-akusdo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us