Umakyat sa 21 ang bilang ng mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill sa Limay, Bataan dulot ng paglubog ng MT Terranova.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), 12 munisipyo at lungsod sa Bataan ang nagdeklara ng state of calamity.
Habang 7 munisipyo at 2 siyudad sa Cavite ang nagdeklara rin ng State of Calmity kabilang ang Bacoor City , Cavite City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.
Mahigit sa 25-libo mga mangingisdang ang apektado ng oil spill sa Calabarzon.
Nagpapatuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng tulong sa mga apektadong mangingisda. | ulat ni Leo Sarne