Usapin ng impeachment ng kahit sinong opisyal, hindi uusad sa Senado ayon kay SP Escudero

Planong kitilin ni Senate President Chiz Escudero ang anumang usapin hinggil sa impeachment. Sa ginanap na armshow sa SMX Pasay, pinayuhan din ng senador ang mga kasamahan nito sa Senado na huwag makialam o manghimasok sa anumang isyu na may kinalaman sa impeachment. Paliwanag ni Escudero, bilang mga senador ay sila ang tatayong mga hukom… Continue reading Usapin ng impeachment ng kahit sinong opisyal, hindi uusad sa Senado ayon kay SP Escudero

DSWD, tiniyak na sasapat ang panukalang P114-B na pondo para sa mga 4PS beneficiaries

Siniguro ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na sapat ang panukalang pondo ng ahensya para sa 4Ps program. Sa pagtalakay ng P229 billion mahigit na 2025 proposed budget ng DSWD, natanong ni 4Ps party-list Rep. JC Abalos ang kalihim kung sasapat ba ang P114 billion na panukalang pondo para grant ng P4.4 million na benepisyaryo. Kung… Continue reading DSWD, tiniyak na sasapat ang panukalang P114-B na pondo para sa mga 4PS beneficiaries

Pinoy pork, ligtas kainin ayon sa local hog industry

Nagkaisa ngayon ang iba’t-ibang kasapi ng local hog industry, allied sectors at ang Quezon City government para pawiin ang agam-agam ng publiko sa pagkain ng baboy dahil sa banta ng ASF. Sa isang pahayag, ipinunto ng grupo na ligtas, walang peligro sa pagkain ng baboy at wala ring dalang panganib sa tao ang ASF. Ginawa… Continue reading Pinoy pork, ligtas kainin ayon sa local hog industry

DOLE, iprinisinta sa Kamara ang kanilang P45.28-B na budget para sa 2025

Iprinisinta ng Department of Labor and Employment ang kanilang panukalang budget para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng 45.28 billion pesos. Mas mababa ito sa kanilang budget sa ilalim ng National Expenditure Program para ngayong taon. Sa budget presentation ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sinabi nito na ang kanilang proposed budget ay naka-angkla sa mga… Continue reading DOLE, iprinisinta sa Kamara ang kanilang P45.28-B na budget para sa 2025

Netflix, nagpahayag ng suporta sa hangarin ng gobyerno na makakolekta ng dagdag na revenue para sa mga development projects and programs na pakikinabangan ng mga Pilipino

Suportado ng international television streaming na Netflix ang hangarin ng gobyerno na makakolekta ng karagdagang kita para mapondohan ang mga programa at proyekto ng administrasyon Marcos. Jr. Sa pulong nila Finance Secretary Ralph Recto at senior Netfix officials, tinalakay ng kalihim ang panukalang value added tax for foreign digital providers na ngayon ay pending pa… Continue reading Netflix, nagpahayag ng suporta sa hangarin ng gobyerno na makakolekta ng dagdag na revenue para sa mga development projects and programs na pakikinabangan ng mga Pilipino

Plebisito para sa paglikha ng 3 bayan sa BARMM, idineklarang labag sa Saligang Batas — SC

Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections na itigil ang plebisito para sa paglikha ng tatlong bagong bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ito ay matapos na ideklara ng SC na labag sa Saligang Batas ang Section 5 sa Bangsamoro Autonomy Act Nos.… Continue reading Plebisito para sa paglikha ng 3 bayan sa BARMM, idineklarang labag sa Saligang Batas — SC

Sen. Tolentino, iminungkahing i-convene na ang Nat’l Security Council kasunod ng nangyari sa Escoda Shoal

Muling iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na napapanahon nang pulungin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Security Council (NSC) para makabuo ng mas tukoy na hakbang kaugnay ng aksyon ng China sa loob ng ating teritoryo. Iminumungkahi rin ni Tolentino na mag-demand ang ating pamahalaan ng kompensasyon mula sa gobyerno ng… Continue reading Sen. Tolentino, iminungkahing i-convene na ang Nat’l Security Council kasunod ng nangyari sa Escoda Shoal

Party-list solons, nagpaabot ng pagbati sa kumpirmasyon ni Sec. Cacdac bilang kalihim ng DMW

Nagpaabot ng pagbati sina Kabayan Party-list Representative Ron Salo at OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa paglusot ng kumpirmasyon ni Secretary Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Commission on Appointments. Ani Salo ‘well deserve’ ng kalihim ang pagkilalang ito dahil na rin sa kaniyang dedikasyon na isulong ang kapakanan… Continue reading Party-list solons, nagpaabot ng pagbati sa kumpirmasyon ni Sec. Cacdac bilang kalihim ng DMW

Lalaking positibo sa Mpox, bumisita sa 2 establisyemento sa QC; mga nakasalamuha, isinailalim sa monitoring

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagkasa ng contact tracing ang LGU kasunod ng naitalang panibagong kaso muli ng Mpox sa bansa. Ayon sa alkalde, ang natukoy kaseng pasyente na isang 33-taong gulang na lalaki na taga-Metro Manila, ay nagtungo sa dalawang establisyimento sa Quezon City. Kabilang dito ang isang massage spa sa… Continue reading Lalaking positibo sa Mpox, bumisita sa 2 establisyemento sa QC; mga nakasalamuha, isinailalim sa monitoring

DOT, muling siniguro na mapapanatili ang cultural integrity ng Manila Central Post Office sa gitna ng napipintong rehabilitasyon nito

Hindi makokompromiso ang cultural integrity ng Manila Central Post Office sa gitna ng napipinto nitong rehabilitasyon at repurposing bilang tourist destination. Ito ang siniguro ni Tourism Secretary Christina Frasco nang humingi ng update ang Kamara ukol sa estado ng pagsasa-ayos sa nasunog na gusali. Aniya, sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)… Continue reading DOT, muling siniguro na mapapanatili ang cultural integrity ng Manila Central Post Office sa gitna ng napipintong rehabilitasyon nito