Sen. Win Gatchalian, pinag-iingat ang mga paaralan sa banta ng Mpox

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Kasunod ng pagkakaulat ng unang kaso ng mpox (dating monkeypox) sa bansa ngayong taon, hinimok ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ito sa mga eskwelahan. Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox ayon sa US… Continue reading Sen. Win Gatchalian, pinag-iingat ang mga paaralan sa banta ng Mpox

Incentives ng mga atletang di nakadalo sa Heroes’ Welcome noong nakaraang linggo, personal na ipinagkaloob ni Pangulong Marcos Jr.

Nakatanggap ng tig P1 milyong ang apat na Pinoy Olympians na humarap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong hapon (August 22). Ito ay sina professional golfer Dottie Ardina at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar, na hindi nakadalo sa isinagawang Heroes’ Welcome ng Malacañang, noong nakaraang linggo… Continue reading Incentives ng mga atletang di nakadalo sa Heroes’ Welcome noong nakaraang linggo, personal na ipinagkaloob ni Pangulong Marcos Jr.

DOST Sec. Solidum, pinangunahan ang pagbubukas ng RSTW 2024 sa Antique

Pinangunahan ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. ang pagbubukas ng Western Visayas Regional Science Technology and Innovation Week (RSTW) 2024 sa Lalawigan ng Antique. Tampok sa selebrasyon ang launching ng iba’t ibang proyekto ng ahensya sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner institution. Kasama sa mga pinasinayaang proyekto ang NatDyes o Natural Dyes Hub sa bayan… Continue reading DOST Sec. Solidum, pinangunahan ang pagbubukas ng RSTW 2024 sa Antique

Nasa 81,000 liters ng oil waste, naalis na ng pamahalaan mula sa lumubog na MT Terranova; Siphoning procedure, nagpapatuloy

Nasa 81,000 litro na ng oil waste ang nahigop ng pamahalaan mula sa lumubog ng MT Terranova sa Limay, Bataan, noong kasagsagan ng Bagong Carina. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Bataan Station Commander Michael Encina na mula ito noong August 19 kasabay ng ginawa nilang testing ng equipment, hanggang kahapon (August 21). Nasa… Continue reading Nasa 81,000 liters ng oil waste, naalis na ng pamahalaan mula sa lumubog na MT Terranova; Siphoning procedure, nagpapatuloy

DA, inilatag ang mga alituntunin kaugnay sa ASF vaccine sa mga magsasaka sa Batangas

Bilang bahagi ng patuloy na paglaban sa African Swine Fever (ASF), inilatag ng Department of Agriculture (DA) ang mga alituntunin kaugnay sa paggamit ng ASF vaccine sa mga magsasaka sa Batangas. Sa ginanap na pagpupulong, ipinaliwanag ng DA-Bureau of Animal Industry o BAI team sa pangunguna nina Undersecretary Deogracias Sevellano at Assistant Secretary Constante Palabrica… Continue reading DA, inilatag ang mga alituntunin kaugnay sa ASF vaccine sa mga magsasaka sa Batangas

Kamara, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad para makuha ang kustodiya ni Cassandra Li Ong

Inilabas na ng Kamara ang kautusan ng Quad Comm upang hulihin at idetine si Cassandra Ong. Kasunod ito ng pagkakahuli ng Indonesian Immigration kina Ong pati na ng kapatid ni dismissed Bamban Tarlac Mayro Alice Guo na si Shiela Guo. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakikipag-ugnayan na ang House Sergeant-at-Arms sa Philippine National… Continue reading Kamara, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad para makuha ang kustodiya ni Cassandra Li Ong

Pilipinas, mahigpit ang ginawang ugnayan sa Indonesia para sa repatriation ni Shiela Guo at Cassandra Ong

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Indonesia para sa mas mabilis na pagpapabalik sa bansa nina Alice Guo at ilan pang miyembro ng pamilya nito. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng pagkaka-aresto nina Cassandra Ong at kapatid ng dating alkalde na Shiela Guo, ngayong araw (August 22). Sabi… Continue reading Pilipinas, mahigpit ang ginawang ugnayan sa Indonesia para sa repatriation ni Shiela Guo at Cassandra Ong

Marikina Solon, kinilala ang ambag ng DOLE sa pagbaba ng unemployment rate

Kinilala ni Appropriations Senior Vice Chair at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang malaking ambag ng Department of Labor and Employment sa pagpapalakas ng ekonomiya, lalo na sa pagbawas ng unemployment rate. Ayon kay Quimbo, ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% noong Hunyo 2023 patungong 3.1% ngayong Hunyo 2024 ay isang patunay ng epektibong… Continue reading Marikina Solon, kinilala ang ambag ng DOLE sa pagbaba ng unemployment rate

Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, ipina-contempt ng Kamara

Ipina-contempt ng Quad Comm si dating Sec. Harry Roque. Nag-ugat ito sa mosyon ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo dahil aniya sa pambabastos ni Roque sa komite dahil sa nagsinungaling aniya ito sa kaniyang pagliban sa nakaraang pagdinig ng Quad Comm noong August 16. Sa liham ni Roque, sinabi niya na mayroon siyang hearing sa… Continue reading Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, ipina-contempt ng Kamara

Sen. Grace Poe, pinatitiyak ang maayos na operasyon ng mga RFID bago magpataw ng parusa sa mga motoristang wala nito

Bago magpataw ng parusa sa mga motoristang walang RFID, pinatitiyak muna ni Sen. Grace Poe na makakapasa sa test ng reliability, efficiency at interoperability ang RFID system. Ito ay kasunod ng kautusan na ibinaba ng DOTr, LTO, at Toll Regulatory Board (TRB) na papatawan ng parusa ang mga motorista na walang valid na RFID at… Continue reading Sen. Grace Poe, pinatitiyak ang maayos na operasyon ng mga RFID bago magpataw ng parusa sa mga motoristang wala nito