Ilang senador, nagpahayag ng suporta sa pagpapa-tuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Nagpahayag ng suporta sina Senate Majority Leader Francis Tolentino at si Senador Robin Padilla sa pansamantalang pagpapa-tuloy ng Pilipinas sa refugees mula sa Afghanistan. Ito ay habang nagpoproseso sila ng mga dokumento para makapasok ng Estados Unidos. Pinunto ni Tolentino, na nasa kasaysayan na ng Pilipinas ang pagtanggap sa mga refugee gaya na lang ng… Continue reading Ilang senador, nagpahayag ng suporta sa pagpapa-tuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Cassandra Li Ong at Shiela Leal Guo, mananatili pa rin sa kustodiya ng NBI

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mananatili pa rin sa kustodiya ng ahensya sina Cassandra Li Ong at Shiela Leal Guo. Sa isang pulong balitaan ngayong hapon sa NBI Headquarters Quezon City, nilinaw ni NBI Director Jaime Santiago na kahit pa ‘bailable’ ang mga kaso nina Ong at Guo ay mananatili pa rin… Continue reading Cassandra Li Ong at Shiela Leal Guo, mananatili pa rin sa kustodiya ng NBI

DFA, mabilis na umaksyon para sa kapakanan ng distressed overseas Filipinos sa Lao PDR

Patuloy ang ginagawang pag-aasikaso ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga distress Pinoy na apektado ng crackdown ng illegal companies sa loob ng Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ), na nasa Bokeo Province, Lao PDR. Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Vientiane, sa mga otoridad ng Lao. Nakapagpadala na rin anila… Continue reading DFA, mabilis na umaksyon para sa kapakanan ng distressed overseas Filipinos sa Lao PDR

Balasahan sa PNP, inaasahan sa pagreretiro ni Lt. Gen. Peralta

Nakaumang ang panibagong balasahan sa Philippine National Police (PNP) sa napipintong pagreretiro ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant Gen. Emmanuel Peralta, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Pambansang Pulisya. Si Peralta, na 33-taong nagsilbi sa PNP ay magreretiro sa serbisyo bukas, Agosto 24, pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan. Una nang sinabi ni… Continue reading Balasahan sa PNP, inaasahan sa pagreretiro ni Lt. Gen. Peralta

Isang Chinese, nahaharap sa patong-patong na reklamo matapos umihi sa pampublikong lugar

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang Chinese national matapos maaresto kaninang umaga dahil sa pag ihi sa pampublikong lugar. Ayon sa inilabas na report ng Southern Police District (SPD) kaninang umaga, naaresto ang suspek na kinilalang si Huang 33 anyos habang nagsasagwa ang mga otoridad ng anti criminality campaign. Napansin ng mga pulis… Continue reading Isang Chinese, nahaharap sa patong-patong na reklamo matapos umihi sa pampublikong lugar

DoF, sinimulan na ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations ng RPVARA

Humingi ng “insights” ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng Bureau of Local Government (BLGF) mula sa mga stakeholders at private sector para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) RA 12001 o Real Property Valuation and Assesment Refrm Act (RPVARA). Ito ay upang matiyak na ang IRR ng batas ay highly… Continue reading DoF, sinimulan na ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations ng RPVARA

Panukalang pagtatag ng Clark National Food Hub, inaprubahan sa komite level sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Trade and Industry ang panukalang Clark National Food Hub. Ang House Bill 10678 o “An Act Establishing the Clark National Food Hub, Appropriating Funds Therefor and for other Purposes” ay alinsunod sa hangarin ng Philippine Development Plan para sa food security. Sinabi ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus… Continue reading Panukalang pagtatag ng Clark National Food Hub, inaprubahan sa komite level sa Kamara

Comprehensive Anti-Discrimination Bill, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Naiprisinta na ni Senate Committee on Social Justice Chairperson Senator Imee Marcos ang panukalang layong tugunan ang lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan…ito ang Senate Bill 2766 o ang Comprehensive Anti-Discrimination bill. Sa ilalim ng panukala, itinataguyod ang dignidad at pagkakapantay-pantay anuman ang edad; lahi; etniko o katutubong pinagmulan; relihiyon; paniniwalang pulitikal; estado sa… Continue reading Comprehensive Anti-Discrimination Bill, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Moody’s binigyan ang Pilipinas ng BAA2 investment grade rating with stable outlook

Pinagtibay ngayon ng Moody’s rating ang investment -grade credit rating ng Pilipinas na “Baa2” with stable outlook. Ayon sa credit rating agency ito ay dahil sa mga repormang ginagawa ng gobierno upang iliberalize ang ekonomiya, fiscal consolidation efforts at robust macroeconomic fundamentals. Inaasahan din ng Moody’s na patuloy na tataas ang Foreign Investment inflows sa… Continue reading Moody’s binigyan ang Pilipinas ng BAA2 investment grade rating with stable outlook

80 kilo ng marijuana, nasabat ng PDEG sa Valenzuela

Narekober ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang 80 kilo ng marijuana mula sa arestadong suspek sa operasyon sa Brgy. Canumay West, Valenzuela City kaninang alas-9 ng umaga. Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Eleazar Matta, tinatayang nasa P9.6 na milyong ang halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa… Continue reading 80 kilo ng marijuana, nasabat ng PDEG sa Valenzuela