Pasig City LGU, kinilala bilang “Kampeon ng Kalusugan” ng DOH

Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Department of Health (DOH) bilang “Kampeon ng Kalusugan” para sa kanilang best practice na “Pasig Health Aides as Bakuna Champions.” Ang pagkilala ay iginawad sa kauna-unahang Health Promotion Summit for Barangay Health Workers na ginanap sa Clark, Pampanga. Ang award na ito ay pagkilala dedikasyon ng Pasig City… Continue reading Pasig City LGU, kinilala bilang “Kampeon ng Kalusugan” ng DOH

Shiela Guo, inaming sa China siya pinanganak at hindi niya tunay na kapatid si Alice Guo

Sinabi ni Shiela Guo na hindi sila tunay na magkapatid ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Sa pagdinig ng Senado, binahagi ni Shiela na hindi niya tunay na tatay si Jian Zhong Guo o si Angelito Guo na siyang ama rin ni Alice Guo. Sa salaysay ni Shiela, nasa China ang tunay niyang ama… Continue reading Shiela Guo, inaming sa China siya pinanganak at hindi niya tunay na kapatid si Alice Guo

Plano ng LTO region 7 na hulihin ang mga motorcycle riders na gumagamit ng temporary plates, hindi sinang-ayunan ni Sen. Tolentino

Hindi sinang-ayunan ni Senate Majority leader Francis Tolentino ang plano ng Land Transportastion Office (LTO) Region 7 na hulihin simula sa September 1 ang mga motorcycle rider na gumagamit ng mga improvised o temporary na plaka. Ayon kay Tolentino, dapat na munang ayusin ng LTO ang backlog o mga kakulangan ng mga license plates. Hindi… Continue reading Plano ng LTO region 7 na hulihin ang mga motorcycle riders na gumagamit ng temporary plates, hindi sinang-ayunan ni Sen. Tolentino

Office of the Ombudsman, hiniling sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang 2025 budget

Hiniling ng Office of the Ombudsman sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2025. Sa deliberation ng budget ng Ombudsman iprinisinta nito ang kanilang 2025 budget na P5.824 billion sa ilalim ng National Expenditure Program, mas mababa sa kanilang hiling sa Department of Budget and Management (DBM) na nasa P8.573… Continue reading Office of the Ombudsman, hiniling sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang 2025 budget

Abugadong nagnotaryo sa counter-affidavit ni dating Mayor Alice Guo, nakwestiyon sa Senado

Nagisa sa pagdinig ng senado ngayong araw ang si Atty. Elmer Galicia, ang abugadong nagnotaryo sa counter-affidavit na isinumite ni dating Mayor Alice Guo. Matatandaang una nang sinabi ni Galicia na personal niyang nakita si Guo nang magpanotaryo ito noong August 14. Pero sa hearing kanina, sinabi ni Galicia na hindi na niya sigurado kung… Continue reading Abugadong nagnotaryo sa counter-affidavit ni dating Mayor Alice Guo, nakwestiyon sa Senado

Commemorative coins para sa ika-75 taon ng PH Central Banking, iprinisinta ng Bangko Sentral ng Pilipinas kay Pangulong Marcos Jr.

Iprinisinta ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P7,500 gold at P750 silver commemorative coins ng central bank. Ang presentation ay kasabay ng 75th Anniversary ng central banking sa Pilipinas. Itinatampok sa obverse side ng gold at silver non-circulation legal tender coins ang Intendencia o kilala rin bilang Aduana Building sa… Continue reading Commemorative coins para sa ika-75 taon ng PH Central Banking, iprinisinta ng Bangko Sentral ng Pilipinas kay Pangulong Marcos Jr.

Kamara, pinagtibay ang panukala para parusahan ang unauthorized practice of law

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga abogado. Salig sa House Bill 10691, papatawan ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong o multa na P100,000 hanggang P5 million o parehas ang mga indibidwal na hindi naman miyembro ng Philippine Bar ngunit sangkot sa unauthorized practice… Continue reading Kamara, pinagtibay ang panukala para parusahan ang unauthorized practice of law

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng publiko kasunod ng nakuhang mataas na trust rating sa OCTA survey

Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang tulong ng mga kasamahang mambabatas sa pagsusulong ng mga lehislasyon na makakatulong sa mga Pilipino. Kasunod ito ng nakuhang mataas na trust rating ng House leader sa isinagawang 2nd quarter survey ng OCTA Research kung saan umakyat sa 62% ang trust rating ng House Speaker at nakapagtala pa ng 9… Continue reading Speaker Romualdez, nagpasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng publiko kasunod ng nakuhang mataas na trust rating sa OCTA survey

Mga benepisyo para sa mga solo parents,pinabibilis na ng DSWD sa inter-agency committee

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang mga guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents. Aniya, ang Department of Labor and… Continue reading Mga benepisyo para sa mga solo parents,pinabibilis na ng DSWD sa inter-agency committee

Shiela Guo, inaming kasama niya si Alice Guo na lumabas ng Pilipinas

Inamin ni Shiela Guo na kasama niyang lumabas ng Pilipinas ang kanyang mga kapatid na sina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at si Wesley Guo. Sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice, inilahad ni Shiela na gabi noong unang linggo ng Hulyo ay sinundo silang tatlo ng isang van mula sa kanilang farm sa… Continue reading Shiela Guo, inaming kasama niya si Alice Guo na lumabas ng Pilipinas