Mga nagparehistro sa National ID, umabot na sa higit 88.983 milyon – PSA

Pumalo na sa kabuuang 88,983,568 Filipino ang nakapagrehistro sa National ID system hanggang Hulyo 26, 2024.  Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, nagpapatuloy pa ang registration ng national ID partikular sa mga malalayong bayan. Huling dinayo ng PSA ang Turtle Islands sa Tawi-Tawi at nagsagawa… Continue reading Mga nagparehistro sa National ID, umabot na sa higit 88.983 milyon – PSA

Mahigit 200 OFW sa BARMM, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DMW

Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mahigit 200 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa DMW, nasa kabuuang P5.18 milyon ang halaga ng ipinamahagi na tulong pinansyal sa 259 na benepisyaryo. Pinangunahan nina DMW Undersecretary Bernard Olalia at Assistant Secretary… Continue reading Mahigit 200 OFW sa BARMM, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DMW

Operasyon ng Pasig River Ferry, limitado ngayong araw – MMDA

Nagpapatupad ng limitadong operasyon ang Pasig River Ferry Service ngayong hapon. Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, limitado lamang ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula Guadalupe hanggang Sta. Ana lamang at pabalik. Ito ay dahil sa dami ng water hyacinth na nakaharang sa bahagi ng Napindan dockyard, kaya’t hindi… Continue reading Operasyon ng Pasig River Ferry, limitado ngayong araw – MMDA

Mga benepisyo para sa solo parents, pinabibilis na ng DSWD sa Inter-agency Committee

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents. Aniya, ang Department of Labor and Employment at… Continue reading Mga benepisyo para sa solo parents, pinabibilis na ng DSWD sa Inter-agency Committee

Dalawang residente sa Lungsod ng Las Piñas, nakatanggap ng wheelchair mula sa LGU

Namahagi ng wheelchair si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa dalawang residente ng BF International bilang bahagi ng outreach efforts nito. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang nasabing mga donasyon ay tinanggap ng mga kaanak ng mga nangangailangan ng wheelchair. Ayon kay Vice Mayor Aguilar, tuloy ang kaniyang pangako na suportahan ang mga residente… Continue reading Dalawang residente sa Lungsod ng Las Piñas, nakatanggap ng wheelchair mula sa LGU

Pagsilip sa kung paano ginagastos ang intel funds, suportado ng House leader

Suportado ni Deputy Speaker David Suarez ang plano ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na isailalim sa review ang paggamit ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang intel fund. Bunsod pa rin ito na nagawang makalusot ni Alice Guo palabas ng bansa. Maliban dito, maigi rin aniya na mabusisi ang security measures at protocols… Continue reading Pagsilip sa kung paano ginagastos ang intel funds, suportado ng House leader

CSC, naniniwalang epektibo pa rin ang flexible work arrangement kahit wala nang pandemic

Naniniwala si Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles na epektibo pa rin ang pagkakaroon ng flexible work arrangement kahit wala nang pandemiya. Sa pagsalang ng P2.7 bilyon na panukalang budget ng CSC sa Kamara, sinabi ni Nograles na kasalukuyang pinaplantsa ang bagong guidelines para sa flexible work arrangement kung saan pangunahing konsiderasyon ang energy at… Continue reading CSC, naniniwalang epektibo pa rin ang flexible work arrangement kahit wala nang pandemic

Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makiisa sa gaganaping Mega Jobs Fair sa SM Center Muntinlupa, Brgy. Tunasan sa darating na Biyernes, August 30 2024. Ang naturang aktibidad na may titulong “Trabaho Para sa Muntinlupeño’ ay magsisimula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Paliwanag ng LGU, ang inaabangang Mega… Continue reading Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Nagsanib pwersa ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Pamahalaang Lungsod ng Makati para mabigyan ng assistance ang Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng OWWA help desk. Ayon sa anunsyo ng Makati City, nakipagkolaborasyon ang Makati Public Employment Service Office (PESO), sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makapagbigay ng libreng konsultasyon na may kinalaman… Continue reading Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Higit 450 na barangay, may aktibong kaso ng ASF — BAI

Tumaas ang bilang ng mga lugar sa bansa na may aktibong kaso sa ngayon ng African Swine Fever (ASF) batay sa pinakahuling bulletin ng Bureau of Animal Industry. Batay sa ulat, mula sa 251 barangay ay umakyat sa 458 o halos doble ang mga apektadong barangay mula sa higit 100 munisipalidad sa bansa. Pinakamalaki pa… Continue reading Higit 450 na barangay, may aktibong kaso ng ASF — BAI