Driver ng pulang sasakyan, pinaghahanap na matapos masangkot sa hit-and-run sa Taguig – MMDA

Photo: Screen grab from MMDA video

Pinaghahanap na ngayon ang isang driver ng pulang sasakyan matapos umanong takasan ang mga sumitang traffic enforcer sa Taguig City. Sa kuha ng dashcam na pinost ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook page, makikitang humaharurot sa pagtakas ang driver habang ang MMDA enforcer ay nasa ibabaw ng hood ng sasakyan. Ang naturang… Continue reading Driver ng pulang sasakyan, pinaghahanap na matapos masangkot sa hit-and-run sa Taguig – MMDA

BI, nagsimula nang iproseso ang kanselasyon ng mga dokumento ng dayuhang POGO employees

Sinisimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang downgrading ng mga 9G work visa ng mga dayuhang empleyado ng mga lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) o internet gaming licensee (IGL). Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na mula nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-ban ang… Continue reading BI, nagsimula nang iproseso ang kanselasyon ng mga dokumento ng dayuhang POGO employees

Justice Secretary Boying Remulla, hindi kumbinsidong pwede ituring na state witness si Shiela Guo

Para kay justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi reliable na testigo si Shiela Guo kaya malabo itong maituring na state witness. Sa panayam matapos ang budget hearing sa Senado, sinabi ni Remulla na kailangan mapatunayan muna na kailangang kailangan ang testimonya ni Shiela Guo para maituring itong state witness. Sa ngayon, hindi pa naniniwala ang… Continue reading Justice Secretary Boying Remulla, hindi kumbinsidong pwede ituring na state witness si Shiela Guo

Justice Secretary Remulla, nanindigang legal ang police operations para maisilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy

Giniit ni justice Secretary Jesus Crispin Remulla na valid ang police oeprations na isinagawa para maisilbi ang warrant of arrest laban kay pastor Apollo Quiboloy. Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Remulla na hindi rerespetuhin ng mga tao ang rule of law kung hindi nila maipapakita na naipapatupad ito sa sinuman, anuman ang estado… Continue reading Justice Secretary Remulla, nanindigang legal ang police operations para maisilbi ang arrest warrant laban kay Quiboloy

Antas ng tubig sa Marikina River, bumaba na sa 13 meters

Bumaba na ang lebel ng tubig sa Marikina River. Ito ay matapos ang naranasang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila dulot ng habagat. Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161, bumaba na sa 13 meters ang lebel ng tubig sa ilog mula sa 14.4 meters kaninang alas-6 ng umaga. Sa ngayon, nananatili ito… Continue reading Antas ng tubig sa Marikina River, bumaba na sa 13 meters

Shiela Guo, pwedeng maikonsiderang state witness – Justice Usec. Nicholas Ty

Aminado si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Nicholas Felix Ty na may posibilidad na maituring bilang state witness si Shiela Guo. Sa panayam bago ang budget hearing ng DOJ, sinabi ni Ty na kung totoo ang mga sinasabi ni Shiela ay hindi siya maituturing na pinaka may pakana ng mga iligal na aktibidad na ikinakabit… Continue reading Shiela Guo, pwedeng maikonsiderang state witness – Justice Usec. Nicholas Ty

AMLC, target maialis ang Pilipinas sa Financial Action Task Force ‘grey list’ sa susunod na taon

Target ng Anti Money Laundering Council (AMLC) na matugunan hanggang Oktubre ng taong ito ang mga natitirang hakbang para makaalis na ang Pilipinas sa ‘grey list’ ng Financial Action Task Force (FATF) Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni AMLC Executive Director Matthew David, na malaki ang posibilidad na magkaroon ng on-site visit ang FATF… Continue reading AMLC, target maialis ang Pilipinas sa Financial Action Task Force ‘grey list’ sa susunod na taon

Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa DOTr: Pag-aralang mapabuti ang trapiko sa Metro Manila

Hiniling ni Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Lorenz Defensor sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan na mapabuti ang trapiko sa Metro Manila. Sa kanyang interpallation sa budget ng DOTr, sinabi nito na base sa mga pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at World Economic Forum (WEF) na malaki ang nawawala sa ekonomiya… Continue reading Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa DOTr: Pag-aralang mapabuti ang trapiko sa Metro Manila

Philippine Coast Guard, inamin na walang pondo para sa pagtugon sa insidente ng oil spill

Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang pondo sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program na nakalaan para sa pagtugon sa oil spill. Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang P180.8 billion na pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon kung saan napapaloob ang PCG, nausisa ni Gabriela Party-list Rep. Arlene… Continue reading Philippine Coast Guard, inamin na walang pondo para sa pagtugon sa insidente ng oil spill

Pag-review ng MDT ng US at Pilipinas, napapanahon na – National Maritime Council

Mayroong pangangailangan na ma-review ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Tugon ito ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Alexander Lopez, nang hingan ng komento sa unang pahayag ni Defense Secretary Gibo Teodoro na kailangan nang palawakin o baguhin ang MDT, upang mapayagan ang US na tumulong sa Pilipinas sa… Continue reading Pag-review ng MDT ng US at Pilipinas, napapanahon na – National Maritime Council