Kinakailangang isalang muna sa deportation proceeding ang mga dayuhang wanted na sina Jun Chen, 28; Hongru Zhang, 26; at Hao Zhen, 27.
Ang 3 Chinese ay dinakip ng Bureau of Immigration Fugitive and Search Unit dahil sa mga kasong kriminal dito sa Pilipinas at sa China
Ngunit ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kailangang harapin muna ng tatlong dayuhan ang mga kasong kriminal dito sa Pilipinas gaya ng robbery, grave coercion, illegal detention, gun possession at pagbebenta ng illegal drugs sa Parañaque City prosecutor’s office.
Sinabi ni Tansingco na kailangang pagdusahan muna ng tatlong Chinese ang sentensiya ng korte sa Pilipinas bago sila pauwiin sa China kung saan sila ay may kinakaharap na mga asuntong kriminal.
Nag-ugat ang kaso laban sa tatlong dayuhan nang ma-rescue ng pulisya ang isang Vietnamese na dinukot at ikinulong ng mga nabanggit na Chinese. | ulat ni Lorenz Tanjoco