Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo na naglaan ang kagawaran ng 31 libong family food packs para sa mga apektado ng oil spill sa Bataan at Cavite.
Ayon kay DSWD UnderSecretary Diana Rose Cajipe, naihatid na nila sa Bataan ang 5,000 food pack habang ongoing naman ang delivery nila ng 26,000 food pack sa Cavite.
Sinabi ni Usec. Cajipe na nakahanda rin ang kagawaran na magbigay ng financial assistance sa mga apektado, depende sa magiging request ng concerned Local Government unit.
Ang DSWD, kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pang ahensa ay kabilang sa Inter-Agency Task Force na nakatutok sa oil spill, kung saan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Chairman.
Tiniyak naman ni Sec. Abalos na nagtutulungan ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang epekto ng pagtagas ng langis mula sa MT Terranova na lumubog sa karagatan ng Bataan noong Hulyo 25. | ulat ni Leo Sarne
📷 DSWD