Pina-recall ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang 373 tauhan ng Police Security and Protection Group (PSPG) mula sa Government at private Sector Security detail noong buwan ng Hulyo.
Ayon sa PNP Chief, 225 sa bilang na ito ang dineploy sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kasama ang 75 personnel na dating naka-assign kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Gen. Marbil na base sa datos ng PSPG, ₱12.5 milyong piso ang kabuuang buwanang pasahod ng PNP sa nabanggit na 373 police personnel na dating naka assign sa seguridad ng mga indibidual.
Sa ngayon, na assign na aniya ang mga pulis sa mga lokal na komunidad para ma-“maximize” ang “resources” ng PNP para sa kaligtasan ng publiko.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, inilabas ng PNP ang datos bilang tugon sa spekulasyon na na-single out si Vice President Duterte sa recall process kung saan sya lang ang inalisan ng police security. | ulat ni Leo Sarne