Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat na seguridad parin si Bise Presidente Sara Duterte.
Sa ambush interview sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na 400 security personnel ng Presidential Security Command (PSC) ang nagbabantay kay Duterte at sapat na ang bilang nito.
Ito’y kahit pa binawasan ng Philippine National Police (PNP) ng 75 pulis ang security personnel na naka-assign kay Duterte.
Ayon pa kay Padilla, walang na-monitor ang AFP na banta sa buhay ng Bise Presidente, sangayon sa unang naging pahayag ng PNP sa kanilang ginawang threat assesment sa Pangalawang Pangulo.
Nilinaw naman ng AFP na kahit may ilang grupo na nagvo-volunteer para maging security ng Pangalawang Pangulo, ay hindi ito pinahihintulutan ng basta basta lang. | ulat ni Leo Sarne