Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 42 mga paaralan ang hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw.
Ayon sa DepEd, ang mga paaralang ito ay mula sa Malabon City, kung saan sinuspinde ang klase dahil sa muling pagtaas ng tubig-baha sa lungsod.
Samantala, kinumpirma rin ng DepEd na tuloy-tuloy ang klase sa 615 paaralan na nagbukas noong Biyernes, August 2.
Ang mga paaralang ito ay mula sa NCR, Region 1, Region 3, at Region 4-A.
Nauna nang naantala ang pagbubukas ng klase sa naturang mga rehiyon matapos na manalasa ang bagyong Carina. | ulat ni Diane Lear