Aabot sa 480 proyekto sa ilalim ng programang LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ang nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa Eastern Visayas.
Binubuo ito ng 274 water harvesting facilities at 210 community gardens na nakakalat sa buong rehiyon.
Mayroon ding 11 fish ponds ang naitayo sa Northern Samar, at Eastern Samar.
Nasa kabuuang 138,605 sq m naman ng lupang sakahan ang nasakop ng naitayong water facilities na nakatulong sa mga magsasaka gayundin sa higit 20,000 pamilya sa rehiyon.
“The building and operation of community gardens is estimated to boost the harvest of vegetable, crops and fruit-bearing crops in the region that can provide food to more than 26,000 families,” Asst. Secretary Dumlao.
Sa ilalim ng Project LAWA at BINHI, ang DSWD ay magbibigay ng daily minimum regional wage rate sa bawat partner beneficiary kapalit ng kanilang partisipasyon at pagdalo sa training at maging sa implementasyon ng mga proyekto sa kani-kanilang komunidad na nakatuon sa pagtugon sa epekto ng tagtuyot. | ulat ni Merry Ann Bastasa