Ipinabatid ni Dr. Sigrid Agustin, Veterinarian II ng Regulatory Division ng Bureau of Animal Industry (BAI) Region 1 na walong lugar mula sa 11 lugar sa Ilocos Region na nasa infected o red zone ng African Swine Fever (ASF) ang pinoproseso na ang pag-lift sa pink zone.
Ito ay sa bayan ng Anda at Sta Barabara sa Pangasinan, at ang mga bayan ng Cervantes, Salcedo, Gregorio del Pilar, Lidlidda, Galimuyod at Burgos na pinoproseso na rin para maging pink zone.
Ang nalalabing pitong lugar na infected ng ASF ay ang mga bayan ng Aringay, San Gabriel, Rosario, Balaoan, Luna, Bangar at ang San Fernando City na pawang sa La Union.
Samantala sa ASF zooming progression sa Region 1 nitong August 20, nasa 54 ang nasa pink zone habang 58 ang nasa yellow zone. | ulat ni Leslie Gemino, Radyo Pilipinas Tayug