850 na Persons Deprived of Liberty ang napalaya ng Bureau of Corrections mulay July 19 hanggang August 30.
Ito ay bahagi ng decongestion project ng BuCor at ng Marcos administration kung saan umaabot na sa mahigit 15k ang napalaya sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan.
Ayon kay BuCor DG Gregorio Catapang Jr., nasa 850 na PDLs, 146 sa mga ito ay nakatakda na para sa kanilang acquittal, mahigit apat na daan ang malapit nang maexpire ang kanilang maximum sentence, dalawa ang galing sa bail bond at isa ang mula naman sa cash bond.
Ngayong araw mismo, ay nagpalaya ang BuCor ng 81 PDLS sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa mismong tanggapan ng Bureau of Corrections.
Mensahe ni Catapang sa mga bagong layang PDLs na huwag mawalan ng pag asa at ipagpatuloy ang pagbabagong buhay para sa kanilang sarili at pamilya. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷 BuCor