99 dayuhan at Pilipino, arestado sa ilegal na POGO na sangkot sa crypto-currency scam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang 99 na dayuhan at lokal na tauhan ng isang kumpanya sa Baclaran, Parañaque City na sangkot umano sa crypto-currency scam.

Sa ulat ni NCRPO Director Police Major General Melencio Nartatez Jr. kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, resulta ito ng pagpapatupad ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) sa tanggapan ng AIA Company, na nagpapanggap na lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa 9th Floor, Centrium Tower 1, L. San Pedro corner J. Maceda, Baclaran, Parañaque City kaninang alas-2 ng madaling araw.

Kabilang sa mga naaresto ang pangunahing suspek na si Nan Shan, ang manager ng kumpanya; Detu Su, ang may-ari ng kumpanya; at Wu Jian Bin alyas Abin, ang supervisor; na pawang Chinese nationals.

Kasama din sa naaresto ang 64 na iba pang dayuhan kung saan 56 ay Chinese, at 32 Pilipinong empleyado.

Base sa imbestigasyon, nagpapanggap ang mga customer service representative (CSR) ng kumpanya na magagandang modelo para mambiktima sa love scam at crypto-currency scam.

Sa ngayon ay patuloy ang on-site investigation sa mga computer na subject ng warrant na narekober. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us