Acting Mayor ng Bamban Tarlac, itinalaga na ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtalaga na ng bagong Acting Municipal Mayor ng Bamban Tarlac ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nanumpa na ngayong hapon kay DILG Secretary Benhur Abalos si Municipal Councilor Erano Timbang, na ginanap sa Kampo Krame.

Manunungkulan si Timbang bilang acting mayor sa loob ng tatlong buwan.

Pagkatapos ng tatlong buwan, papalit naman sa kanya bilang acting mayor ang nasuspindeng bise alkalde.

Si Timbang ang magiging Acting Vice Mayor na ng munisipalidad.

Bilang acting mayor, tiniyak ni Timbang na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa abot ng kanyang makakaya.

Kahapon, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang tuluyang pagsibak kay suspended Mayor Alice Guo bilang alkalde ng nasabing bayan.

Napatunayan ng Ombudsman na guilty ang alkalde sa kasong inihain ng DILG kasama ang ilang opisyal ng LGU, na pinatawan ng tatlong buwang suspension kasama ang bise alkalde.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us