Antas ng tubig sa Marikina River, bumaba na sa 13 meters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba na ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Ito ay matapos ang naranasang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila dulot ng habagat.

Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161, bumaba na sa 13 meters ang lebel ng tubig sa ilog mula sa 14.4 meters kaninang alas-6 ng umaga.

Sa ngayon, nananatili ito sa normal at walang nakataas na alarma.

Gayunpaman, pinapayuhan ang mga residente ng lungsod na maging alerto at manatiling naka-antabay sa mga update. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us