Simula bukas, Agosto 12, ipatutupad na ang bagong traffic scheme sa dalawang kilometrong bahagi ng Candaba Viaduct Southbound sa North Luzon Expressway.
Sa abiso ng NLEX Corporation, pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali, lahat ng motorista papuntang Manila ay padadaanin na sa bagong Candaba 3rd Viaduct (Zone 1-Pulilan Area).
Lahat ng Class 1 vehicle ay pinapayuhang dumaan sa leftmost lane (lane 1) habang ang middle at rightmost lanes (lanes 2 at 3) ay magagamit ng lahat ng uri ng sasakyan.
Simula din bukas, Agosto 12 hanggang 19, isasara ang parehong Northbound at Southbound Lanes sa pagitan ng Balintawak Cloverleaf at Balintawak Toll Plaza tuwing alas-10 :00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Ito’y para bigyang daan ang repair works sa daan sa bahagi ng Balintawak area. | ulat ni Rey Ferrer