Upang mas maging Eco-Friendly at Carbon Free ang buong Clark City.
lsang partnership ang binuo ng Bases Conversion and Development Auhority at ng kumpanyang Danfoss Incoporated para sa Decarbonization Program sa buong Clark City.
Ayon kay Danfoss Philippines Inc. General Manager Allan Almendrala, layon ng naturang partnership na makatulong ang kanilang kumpanya na makatulong sa maayos na energy efficiency maging ang pagkakaroon ng technological advancement upang mas maging eco-freindly ang buong New Clark City.
Ayon naman kay BCDA President and Ceo Joshua Bincang, isang malaking kapakinabang ang naturang pakikipag partnership ng Danfoss Incorportated, dahil sa kanilang pagnanais na mas mai-develop pa ang Clark City na maging modelo ng isang makabagong syudad sa Pilipinas.
Sa tulong nito ay mas magiging modern eco-friendly ang nasabing lugar.
Sa huli, nagpasalamat naman si Bincang sa Dafoss Incorporated, maging sa bansang Denmark sa tulong at pakikipag partnership nito sa BCDA at sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio