Malaking tulong para sa benepisyaryong na si Lola Edith ang P29 program ng administrasyong Marcos Jr.
Sa FTI Kadiwa sa Taguig, nakabili si Lola dith ng limang kilong bigas na nagkakahalaga ng 29 pesos ang bawat kilo.
Aniya, malaking bagay sa kanila ang nasabing programa dahil nagagamit sa ibang gastusin ang natitipid nilang pera na pambili ng bigas.
Nagpapasalamat si Lola Edith dahil may Pangulo aniya ang marunong gumawa ng paraan para sa masa.
Sa FTI Taguig, nakahanda ang 50 sako ng NFA rice na nakasupot ng tig-limang kilo. Ito kasi ang limit para sa bawat indibidwal na kwalipikadong bumili sa P29 program. | ulat ni Lorenz Tanjoco