Tuloy-tuloy ang libreng sakay ng QCity Bus sa Lunes, Agosto 19 kahit idineklarang holiday sa Lungsod Quezon.
Sa abiso ng QC LGU, mananatili ang biyahe ng libreng sakay sa walong ruta nito sa lungsod.
Magkakaroon lamang ng 30 minutong pagitan ang biyahe sa rutang Quezon City Hall hanggang Cubao, QC Hall hanggang Litex/IBP Road, QC Hall hanggang General Luis, QC Hall hanggang Mindanao Avenue via Visayas Avenue at QC Hall hanggang Mun̈oz.
Samantala may 60 na minuto naman ang pagitan sa biyahe mula Welcome Rotonda hanggang Aurora Katipunan, QC hanggang Gilmore at QC Hall hanggang C5 at Ortigas Avenue Extension.
Sarado naman ang mga tanggapan at opisina sa Queźon City Hall sa Lunes dahil sa paggunita sa Quezon Day.
Maliban sa mga essential services gaya ng law enforcement, traffic managment, fire protection, health at disaster response and management na mananatili namang may pasok. | ulat ni Rey Ferrer