Magsasagawa ng isang “blood donation drive” ang mga major unit ng Philippine Army sa buong bansa sa Linggo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “National Heroes Day”.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, 171 blood donation center ang itatatag sa iba’t Ibang unit ng Phil. Army mula sa “Brigade-level” hanggang sa mga Regional Community Defense Groups.
Kabilang dito ang Philippine Army Officer’s Clubhouse sa Fort Bonifacio, Taguig na ginawang blood donation center, kung saan pangungunahan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang aktibidad.
Ayon kay Col. Dema-ala, target ng Phil. Army na makakuha ng 50,723 blood donors mula PA personnel, reservists, dependents, ROTC (Reserve Officers’ Training Corps) cadets at stakeholders.
Ang malilikom na dugo ay para masiguro ang sapat na suplay nito para sa Phil. Army personnel, kanilang dependents, at mga sibilyan. | ulat ni Leo Sarne