Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Corrections na walang kapabayaang nangyayari sa kanilang hanay, partikular pagdating sa mga isyu ng paglaya ng mga PDLs.
Nag ugat ang pahayag ng BuCor sa isang social media post kung saan, umabot ng 7 taon ang sana ay 3 taong pagkakakulong lamang ng isang PDL sa Cavite jail.
Ito ay dahil sa sinasabing kapabayaan ng umano ng isang korte na court staff na hindi naipadala ang release order sa bjmp.
Paliwanag ng C/SINSP Raymund Peneyra ng Bucor PDL Documents Processing Division, walang kahalintulad na kaso o pangyayari ang kanilang namonitor sa anumang piitan na kanilang pinatatakbo. | ulat ni Lorenz Tanjoco