Cassandra Li Ong at Shiela Leal Guo, mananatili pa rin sa kustodiya ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mananatili pa rin sa kustodiya ng ahensya sina Cassandra Li Ong at Shiela Leal Guo.

Sa isang pulong balitaan ngayong hapon sa NBI Headquarters Quezon City, nilinaw ni NBI Director Jaime Santiago na kahit pa ‘bailable’ ang mga kaso nina Ong at Guo ay mananatili pa rin sila sa NBI.

Paliwanag ni Santiago, na ito ay dahil may pending na warrant of arrest ang Senado at Kamara ang dalawa.

Ayon kay Santiago, inihahanda na rin ng NBI ang mga kasong isasampa laban kina Ong at Guo at isasagawa naman ang inquest proceedings sa dalawa ngayong araw.

Kabilang naman sa kasong isasampa kay Guo, ang paglabag sa Immigration law dahil sa pagpapanggap na isang Pilipino at pagkuha ng Philippine passport.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Obstruction of Justice at harboring of fugitive si Cassandra Ong, sinasabing may-ari ng Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Tiniyak naman ni Santiago na ipinatutupad ng NBI ang due process para kina Ong at Guo gaya ng pagbibigay ng right to counsel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us