Nasa kustodiya na ng Kamara si Cassandra Li Ong.
12:21 ng hapon nang dumating ang sasakyan ng NBI lulan si Ong sa Batasan Pambansa Complex.
Agad naman siyang idineretso sa detention facility ng House of Representatives kung saan siya mananatili ng 30 araw.
Hindi pa naman malinaw ani Quad Committee co-chair Dan Fernandez kung pisikal na dadalo si Ong sa pagdinig ng Senado bukas o maaaring via teleconferencing gaya ng zoom.
Pag uusapan pa aniya ito ng Quad Comm.
August 7 nang ipa contempt ng House Committee on Public Order and Safety si Ong dahil sa hindi pagsipot sa mga isinasagawa nitong pagdinig kaugnay sa iligal na POGO.
Si Ong ang sinasabing incorporator ng POGO hub na Lucky South 99 at malapit kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Nakasaad naman sa turnover document ng NBI na tinanggap ng House Sgt. at Arms ang kaso ni Ong na paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Justice at Philippine immigration Act of 1940. | ulat ni Kathleen Forbes