Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang “creeping invasion” ang ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nagsimula ito noong 1992 nang mapansin ng Phil. Navy ang pagtatayo ng mga marker ng China sa iba’t ibang bahagi ni WPS at South China Sea.
Sa ngayon aniya ay umabot na sa 3-libong ektarya ang na-reclaim ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Trinidad, kabilang sa mga na-reclaim ng China ang Mischief Reef at Johnson reef at maging ang Subi reef na nasa labas ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa kung saan nagtayo ng major bases ng China.
Giit ni Trinidad na kahit nasa labas ng EEZ ng Pilipinas ang Subi, iligal pa rin daw reclamation na ginawa doon ng China. | ulat ni Leo Sarne