DA, nagkaloob ng mga pasilidad at tulong pinansyal sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P135.8 milyong halaga ng pasilidad at tulong pinansyal sa mga magsasaka sa dalawang bayan sa Nueva Ecija.

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang pamamahagi ng mga rice mill at dryer sa Jaen at Guimba na kung saan makikinabang ang mahigit 300 mga magsasaka.

Tiniyak naman ni Secretary Laurel ang tulong para sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang kakayahan.

Photo courtesy of Department of Agriculture

Ilan kasi sa mga pasilidad na ginagamit ng mga ito para sa pagpapatuyo ng palay ay sira-sira na dahil sa katandaan ng mga pasilidad.

Bukod dito, naglaan din ang DA Regional Field Office III ng iba pang tulong na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Photo courtesy of Department of Agriculture

Ang naturang mga pasilidad ay nagmula sa PhilMech na pangunahing ahensya ng DA para sa Rice Competitiveness and Enhancement Fund Mechanization Program. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us