Nananatiling normal ang operasyon ng Davao International Airport hinggil sa nangyaring tensyon sa Kingdom of Jesus Chirst (KOJC) sa Davao City.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala namang nakanselang mga biyahe sa naturang paliparan nitong weekend at ngayong araw, dahil sa paglusob ng nasa 2,000 pulis upang maghain ng warrant of arrest kay KOJC Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon naman kay Davao International Airport Area Manager Engr. Rex Obcena, as of 1:30 PM ngayong araw ay maayos na ang daloy ng trapiko sa loob ng Paliparan.
Sa huli, muli namang siniguro ng CAAP ang maayos na pgpapatupd ng security measure sa naturang paliparan. | ulat ni AJ Ignacio