Maibibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash grants sa mahigit 700,000 reinstated household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Maisakatuparan na ito kasunod ng pagpapalabas ng karagdagang Php5 bilyong pondo ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, inaprubahan at na-release na ng DBM ang karagdagang budget para sa 4Ps beneficiaries na pansamantalang nahinto ang cash assistance ng isailalim ang mga ito sa re-assessment procedure.
Nilinaw ni Dumlao na ang karagdagang pondo ay para sa educational grants ng mga beneficiaries na muling ibinalik sa programa.
Matatanggap ng mga ito ang grants na retroactive o mula Enero hanggang Disyembre 2023, at ito ay nakabase sa halaga ng bilang ng monitored children bawat household.| ulat ni Rey Ferrer