DepEd at BARMM, lumagda sa kasunduan para sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Education (DepEd) at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang lalo pang paunlarin ang kakayahan ng mga guro sa Mindanao.

Sa pangunguna nina Education Secretary Sonny Angara at Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education-BARMM, isinagawa ang ceremonial signing sa DepEd Central Office.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), magtutulungan ang DepEd at BARMM sa pagpapatupad ng Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project o TEACEP.

Layon ng proyekto na magbigay ng mas epektibong suporta at pagsasanay sa mga guro mula Kindergarten hanggang Grade 6.

Ang TEACEP ay bunga ng pakikipagtulungan ng DepEd at World Bank, at nakatuon ito sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro sa pagtuturo ng literacy at numeracy.

Magkakaroon ng mga in-service training, coaching, at instructional leadership upang masiguro ang patuloy na pag-unlad ng mga guro at lider ng paaralan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us