Ipagbabawal ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagiging taga-payong ng mga pulis sa ilang mga personalidad.
Sa flag-raising ceremony ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na ito ay sa kanyang pagnanais na ibalik ang dignidad ng mga pulis.
Paliwanag ng PNP Chief, hindi alalay, drayber, o bayaran ang mga pulis.
Dapat aniya ipakita ng mga pulis ngayon na sila ay maaasahan, mapagkakatiwalaan at tunay na pulis ng bayan.
Samantala, nanindigan ang PNP Chief na gagalangin ng PNP ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng “recalibrated approach” sa kampanya kontra droga.
Binigyang diin ng PNP Chief na walang dapat mawalan ng buhay sa pagpapatupad ng batas. | ulat ni Leo Sarne