Disaster response units ng PNP, dineploy sa mga lugar na apektado ng Taal VOG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng mga disaster response unit sa mga lugar na apektado ng volcanic smog (VOG) mula sa Taal Volcano.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, handa ang mga ito na magkaloob ng tulong sa mga local government unit (LGU), kung kakailanganing ilikas ang mga apektadong residente.

Sinabi ni Fajardo, na magiging responsibilidad ng PNP ang security coverage sa mga evacuation center, bagamat sa ngayon ay wala pang inililikas.

Sa ngayon aniya ay activated na ang “province-wide disaster incident management task group” ng PNP at patuloy na mino-monitor ang sitwasyon.

“Activated” narin aniya ang kanilang Search and Rescue (SAR) personnel sa lalawigan, na handang ideploy anumang oras sa mga apektadong lugar kung kakailanganin. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us