Patuloy na sinusubaybayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sitwasyon ng mga residente na naapektuhan ng oil spill sa Bataan upang makapagbigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan.
Ayon kay DSWD Field Office-3 Regional Director Venus Rebuldela, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng Bataan kaugnay ng isinasagawang clearing operations sa naganap na oil spill.
Umabot naman sa 11,000 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahaging DSWD sa mga apektadong munisipalidad sa Bataan, partikular sa Mariveles at Limay.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Bataan LGU upang pag-usapan ang iba pang tulong na kakailanganin ng mga mangingisda at ang kanilang pamilya na lubhang naapektuhan ng oil spill. | ulat ni Diane Lear