Tatlong regional project management office ang bubuksan ng DSWD, partikular sa BARMM upang masubaybayan ang mga rebel returnees na kanilang natulungan.
Sa budget hearing sa Kamara, ibinalita ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na binigyan sila ng DBM ng P500 million para sa pagtatatag ng regional program management office.
Gayundin ang pag-kuha ng 400 na social workers para sa case management.
Giit ng kalihim, dahil sa mga contract of service ang kanilang mga tauhan, ay hindi na nila nasusubaybayan kung naging epektibo ba ang programa para sa ex-combatants o kung bumalik sila sa armed conflict. | ulat ni Kathleen Forbes