Patuloy ang gingawang pagmo-monitor ng Philippine Embassy sa Tel Aviv matapos ang isinagawang preemptive strikes ng Israel Defense Force laban sa Hezbollah.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas, walang report sa kanila na may Pilipinong nasaktan sa naturang insidente.
Paliwanag ng embahada, na matapos silang makatanggap ng report hinggil sa nasabing pag atake ay agad silang nakipag-ugnayan sa Pinoy community leaders sa Northern Israel.
Giit ng embahada, na patuloy ang ginagawa nilang koordinasyon sa mga Pilipino na malapit sa lugar ng insidente para matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.
Muling nagpaalala ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy sa Israel, na unahin ang kanilang kaligtasan sa ano mang pagkakataon at maging laging handa na magtungo sa anumang shelter kung kinakailangan.
Paalala pa ng embahada, na tiyaking sundin ang IDF security guidelines at tumutok sa kanilang mga updates. | ulat ni Lorenz Tanjoco