Nababahala si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco magkakasunod na insidente ng mga foreign minor aliens na nakakakuha ng pekeng foreign passports.
Ayon kay Tansingco, tatlong insidente na ang naitala ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan pawang mga Vietnamese children ang nagpakita ng illegally-obtained German passports.
Paliwanag ng opisyal, maaring ito ay mga kaso ng trafficking ng mga minors para illegal na maka pasok ng sa iba’t-ibang mga bansa.
Sa report na nakarating kay Tansingco, unang nahuli ng mga tauhan ng BI ang dalawang babaeng menor de edad na nagbalak pumasok ng Pilipinas mula Saigon at nag pakita ng German passports.
Napag alaman ng mga opisyal na ang passport na ginamit ay naireport ng lost o stolen. Dito na napagtanto ng mga opisyales na kamukha lang ng mga Vietnamese minors ang may ari ng German passports.
Habang ang isang kaso naman ay isang lalaking Vietnamese minor na nakabili ng kanyang pekeng German passport sa online at ginamit ito para subukang makalabas ng bansa papuntang Canada.
Dahil dito ay inalerto na ni Tansingco ang kanilang mga immigration officers sa lahat ng mga pantalan hinggil sa dumadalas na modus na nabanggit. | ulat ni Lorenz Tanjoco