Pinangalanan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. bilang isang honorary Navy Seal matapos lumahok sa espesyal na ehersisyong pandigma kahapon.
Dito’y nagsanay si Gen. Brawner sa Basic Underwater Demolition/SEAL (BUDS) training sa Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) headquarters sa Sangley Point, Cavite.
Ang NAVSOCOM na tanyag sa kanilang kakayahan sa unconventional warfare, ay bihasa sa mga operasyong may kinalaman sa demolition, intelligence, at underwater tasks, na pangunahing pangontra sa terorismo.
Matapos ang pagsasanay, dumalo si Gen. Brawner kasama sina NAVSOCOM head Commodore Dwight Steven M. Dulnoan at acting PN chief at vice commander, Rear Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta sa Joint Graduation Ceremony ng SEAL Qualification Training Class 26, Basic Naval Explosive Ordnance Disposal Course Class 21, at Master Explosive Ordnance Disposal Course Class 03.
Binati ni Gen. Brawner ang mga nagsipagtapos sa kanilang dedikasyon na kumakatawan sa “commitment to excellence” ng mga Navy Seal. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by SSg Ambay/PAOAFP