Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-45 National Reservist Week, nagsagawa ng isang Community Outreach Program ang Civil Military Operations Group ng Philippine Navy sa Montaño Hall, Caridad, Cavite City noong Miyerkules.
Naging benepisyaryo dito ang halos isang libong pamilya na biktima ng pananalasa ng nagdaang bagyong Carina.
Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga ito ay relief food packs, slippers, used clothes, diapers, at mattress foams partikular sa mga residente ng Barangay 5 at 7 ng Dalahican, Cavite City.
Ayon sa Philippine Navy bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa panahon ng kalamidad kung saan sabay sabay na babangon ang mga biktima ng nagdaang bagyo.
Matatandaan nuong bagyong Carina nagdeploy ang Philippine Navy ng Search & Rescue team na tumulong sa paglilikas ng mga naapektuhan ng malawakang pagbaha. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of Phil. Navy

