Humigit-kumulang 200 indibidwal ang nakapagtapos ng intervention program sa Quezon City.
Naisakatuparan ito sa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC).
Bilang Co-Chairman ng QCADAAC, ikinatuwa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ang pagtatapos ng mga graduate sa programa.
Binigyang diin nito ang kahalagahan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program para sa tuloy-tuloy nang pagbabago at pagkakaroon ng bagong simula na malayo sa ipinagbabawal na gamot.
Gayunman kinakailangan pa rin nilang dumaan sa “QC CARES After Care Program” ng lungsod na tumutugon sa pangangailangang medical, economic at psychosocial.
Pagtiyak pa ni Vice Mayor Sotto na magpapatuloy ang QCADAAC sa pagbibigay ng mga programa sa drug prevention, treatment at recovery hanggang makamit ang maunlad at mapayapang lipunan sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer