Matagumpay na nagtapos ang Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) Caravan na naghatid ng mga serbisyo ng gubyerno sa mga komunidad ng dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Abubakar at Camp Rajamuda noong Biyernes.
Sa mensahe ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na binasa ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Director Wendell Orbeso sa pambungad na programa sa Camp Abubakar, binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng edukasyon, kabuhayan, at seguridad bilang haligue ng transpormasyon ng mga dating kampo ng MILF sa maunlad na komunidad.
Sinabi naman ni Dir. Obreso, na namumuno sa MILF Peace Process Office ng OPAPRU na ang ICCMN Caravan ay naging pagkakataon din para ipabatid sa mga na dekomisyon ng mandirigma ng MILF ang estado ng pagpapatupad ng mga commitment ng pamahalaan sa kanila.
Ang ICCMN Caravan ay isinakatuparan sa pagtutulungan ng iba’t ibang line Agency ng pambansang pamahalaan, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ministries, at international partners. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU