May 20 pamilya na sinalanta ng Super Typhoon #YolandaPH ang pinagkalooban na ng pabahay ng National Housing Authority (NHA).
Isinagawa ito ng NHA sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Eastern Visayas State University sa Tacloban City, Leyte
kamakailan.
Ang mga benepisyaryo ay binigyan ng Certificates of Award (COA) para sa mga yunit sa St. Francis Village 1, Brgy. 105 Suhi, sa Tacloban City.
Bukod dito, sisimulan na rin ang konstruksyon ng 25 housing units sa Barangay Cabiawan, San Remigio, Antique.
Ang nasabing proyekto ay para din sa mga pamilyang hinagupit ng Yolanda sa nasabing lalawigan.| ulat ni Rey Ferrer