Ilang lansangan sa Cubao, QC, sinuyod ng MMDA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang lansangan sa Cubao, Quezon City na dinaraanan ng mga pampasaherong bus ang sinuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force, ngayong araw.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Metro Manila mula sa mga probinsya matapos ang mahabang bakasyon.

Kabilang sa mga nilinis na kalsada ang Denver St., Detroit St., Maryland St., E. Rodriguez Sr. Ave., at Montreal St.

Sa operasyon, nasa 26 na mga sasakyan ang nahuli dahil sa illegal parking habang 13 ang na-tow, kabilang ang walong SUV, dalawang taxi, dalawang kotse, at isang van.

Layon ng clearing operations na matiyak na walang sagabal sa mga daanan at maluwag ang daloy ng trapiko sa lugar na maraming terminal ng bus.

Ayon sa MMDA, inaasahan ang pagdagsa ng mga pampasaherong bus at iba pang uri ng sasakyan na pabalik sa Metro Manila hanggang Martes. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us