Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa DOTr: Pag-aralang mapabuti ang trapiko sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Lorenz Defensor sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan na mapabuti ang trapiko sa Metro Manila.

Sa kanyang interpallation sa budget ng DOTr, sinabi nito na base sa mga pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at World Economic Forum (WEF) na malaki ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa traffic kasabay ng paghihirap ng commuters na nagsasakripisyo araw-araw.

Aniya, kabilang dito ang busway system, bike lanes sa EDSA at mga walang disiplinang mga driver.

Sa pananaw kasi ng Iloilo solon, mas maganda kung ilipat ang bike lanes na magpapaluwag ng major thoroughfares partikular sa EDSA.

Umaasa ang mambabatas, na agad itong aaksyunan ng DOTr. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us