Isang Chinese, nahaharap sa patong-patong na reklamo matapos umihi sa pampublikong lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang Chinese national matapos maaresto kaninang umaga dahil sa pag ihi sa pampublikong lugar.

Ayon sa inilabas na report ng Southern Police District (SPD) kaninang umaga, naaresto ang suspek na kinilalang si Huang 33 anyos habang nagsasagwa ang mga otoridad ng anti criminality campaign.

Napansin ng mga pulis na umiihi sa pampublikong lugar si Huang kaya nilapitan ito para bigyan ng ticket, subalit kumaripas ito ng takbo subalit agad na naabutan ng mga pulis.

Dito na nagsagawa ang mga otoridad ng standard body search kung saan nadiskubre ang isang maliit na transparent plastic bag, improvised glass pipe, at improvised plastic bottle, at iba pang illegal drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang suspect sa paglabag sa Pasay City Ordinance No. 1572 (Urinating in Public Place), Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at Section 12, Article II of Republic Act 9165 (Possession of Drug Paraphernalia). | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us