Konstruksyon ng NSCR Clark Depot, iinspeksyunin ni Transportation Sec. Jaime Bautista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang inspeksyunin ngayong araw nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Undersecretary for Railways Jeremy Regino, at Undersecretary for Philippine Railways Institute Anneli Lontoc ang ongoing na konstruksyon ng depot ng North South Commuter Railway Project (NSCR) sa Clark, Pampanga.

Ayon sa DOTr, nasa higit 80% nang tapos ang konstruksyon ng naturang depot.

Binubuo ito ng 48 na istruktura kabilang ang Operations Control Center, Training Center, at maintenance buildings gaya ng Light Repair Shop.

Mayroon din itong 33 stabling tracks na magsisilbing parking area para sa mga tren ng NSCR.

Una nang sinabi ng DOTr na tina-target nito ang partial operations ng NSCR sa unang quarter ng 2028 kung saan aabot sa 300,000 pasahero kada araw ang inaasahang makikinabang.

Sa ngayon, nananatiling on-track ang proyekto at patuloy ring tinutugunan ang ilang isyu rito kabilang ang right-of-way. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us