10.8 million kada araw ng perwisyong dulot ng oil spill sa probinsya ng Cavite.
Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla ito ay naka base sa 350 per day para sa 31,000 biktima ng oil spill.
Paliwanag pa ng Gobernador, ang nasabing halaga ay mangagaling sa international oil pollution compensation funds kung saan kasama ito sa isinagawang meeting kabilang ang mga abugado ng mga may ari ng barkong lumubog sa Bataan.
Giit pa ni Remulla na ang nasabing halaga ay bibilingan simula ng magsimula ang oil spill noong July 25 hanggang sa manumbalik ang kumpiyansa ng mga mamimili sa knilang mga produkto. | ulat ni Lorenz Tanjoco