La Union, isinailalim sa state of calamity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa matinding epekto ng bagyong Carina at Habagat, isinailalim ang Lalawigan ng La Union sa State of Calamity sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 1229-2024.

Layunin ng deklarasyon na mapabilis ang emergency response at rehabilitation measures ng probinsya at component local government units (LGUs) sa paggamit ng kanilang sariling calamity funds, at magbibigay-daan ito sa kanila na makakuha ng karagdagang resources mula sa national government agencies at civil society organizations. 

Batay sa mga inisyal na ulat na nakalap ng PDRRMO, apektado ng super typhoon Carina ang lahat ng 20 component LGUs, 26,615 pamilya o 83,242 indibidwal, at kumitil ng tatlong (3) buhay kung saan sa kasalukuyan ay dalawa pa rin ang nawawala.

Samantala, ayon sa mga inisyal na pagtasa lubhang naaapektuhan ang sektor ng agrikultura na may tinatayang P87.5 milyon halaga ng pinsala, P17 milyon naman ang pinsala sa imprastraktura at P1.9 milyon sa sektor ng turismo.

Magpapatupad din ng price freeze sa mga pangunahing bilihin upang matulungan ang lalawigan na makabangon sa pinsalang dulot ng kalamidad. | ulat ni Albert Choice, Radyo Pilipinas Agoo

📷 Provincial Government of La Union