Nagsagawa ang Las Piñas Public Employment Service Office (PESO), sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ng TUPAD orientation para sa mga disadvantaged at displaced workers.
Ginawa ang naturang orientation sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa Barangay Talon Dos.
Pinangunahan ni City Vice Mayor April Aguilar ang naturang aktibidad kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng nasabing programa para makapagbigay ng agarang trabaho sa mga nangangailangan.
Kaugnay nito ay nagpasalamat din si Aguilar sa mga ginawang kolaborasyon sa pagitan ng local at national government para sa implementasyon ng TUPAD program.
Hinimok din ng opisyal ang mga partisipante na samantalahin ang nasabing oportunidad.
Paliwanag ng Las Piñas LGU, na ang TUPAD orientation ay nagpapakita ng commitment ng lungsod na suportahan ang mga residente nito at siguruhin na may pagkukuhanan ang mga ito para sa kanilang kabuhayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Las Piñas LGU